Pekeng pera na may mukha ni DILG Sec. Mar Roxas, kumakalat

by Radyo La Verdad | September 10, 2015 (Thursday) | 1828

FAKE-MONEY
Kumakalat ngayon ang pekeng-500 peso bill na nakalarawan ang mukha ng standard bearer ng Liberal Party na si Mar Roxas.

Sa House of Representatives nakatanggap ang ilang media na ipinadala sa pamamagitan ng snail mail.

Hindi nakalagay kung sino ang sender ngunit mati-trace na nagmula ito sa New Manila, Quezon City.

Ayon sa guwadiya ng Batasang Pambansa, kaninang umaga i-dineliver ang mga sulat.

Sinabi sa ilang kaalyado ni Roxas , ito ay isang paninira kay Roxas dahil nararamdaman na ng mga kalaban na malakas ito.

Sa Senado, nakatanggap din ng katulad na snail mail na naglalaman ng 500-peso bill ang ilang media personnel.

Sinabi naman ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. trabaho ito ng mga taong gustong sirain si Roxas at tutol sa adbokasiya ng pamahalaan na daang matuwid. ( Grace Casin / UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,