People’s Day ng UNTV Action Center, bukas na

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 794
Photo courtesy of UNTV Action Center

Photo courtesy of UNTV Action Center

Muling magsasagawa ng People’s Day ang UNTV Action Center sa araw ng bukas, ika-27 ng Marso, 2015 sa Brgy. Pitogo Covered Court, Makati City.

Pangunahin pa rin sa mga libreng serbisyo na ipagkakaloob sa araw na iyon ang medical, dental and optical consultation, legal consultation, masahe at gupit para sa ating mga kababayan na lalaki.

Ang UNTV Action Center People’s Day ay isasagawa sa pangunguna pa rin ng Kamanggagawa Foundation Incorporated, 1st Civil Military Operation Company, CMOBN-NCR, i-Learn, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Army General Hospital, 1354 Dental Clinic ASCOM PA, V-Luna Hospital, UNTV News and Rescue, Photoville International at CIA Group of Chefs thru Chef Leila Barbeito.

Magsisimula ang registration ng 6:00am hanggang 10:00am.

Tags: , , ,