Permit to Carry Firearms pansamantalang sinuspinde ng PNP para sa isasagawang SEA Games

by Erika Endraca | November 18, 2019 (Monday) | 985

METRO MANILA – Pansamantalang sinususpinde ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Permit to Carry Firearms outside of residence sa ilang mga rehiyon upang mapanatili ang kapayapaan sa 30th South East ASEAN (SEA)  Games.

Ayon kay PNP Office In Charge Lieutenant General Archie Gamboa ipagbabawal mula ang pagdadala ng baril sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at La Union. Ito ay epektibo mula November 20 hanggang December 14 ng taong ito.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,