Inilabas na ng start-up company na X-AI sa publiko ang isang artificial-intelligence powered na personal assistant na makatutulong sa pag-aayos ng schedules at meetings ng user.
Pinangalanan ang virtual assistant na “Amy Ingram”, na ayon sa kompanya ay kayang i-handle ang pagse-set ng oras, petsa, at lugar ng meeting gamit ang e-mail ng user hanggang sa magkasundo ang magkabilang partido sa isang schedule.
Maaaring magamit nang libre si Amy nguni’t may five meetings per month limit ito, samantalang 39 dollars per month naman ang professional edition na kayang mag-schedule ng unlimited na bilang ng meetings.
Tags: available na, Personal assistant "Amy Ingram", powered ng artificial intelligence