Petisyon ni Atty.Gigi Reyes upang mapawalang-bisa ang kanyang kaso kaugnay ng PDAF Scam, dinismiss ng SC

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 1196

GIGI
Dinismiss ng Supreme Court ang petisyon ni Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes na naglalayong mapawalang bisa ang kasong plunder na isinampa laban sa kanya sa Sandiganbayan kaugnay ng PDAF o Pork Barrel Scam.

Ayon sa Korte Suprema, walang nangyaring grave abuse of discretion sa panig ng Ombudsman at ng Sandiganbayan nang kasuhan si Reyes at iutos ang pag-aresto sa kanya.

Pinagtibay din ng mataas na hukuman ang mga kasong graft laban sa mga anak ni Janet Lim Napoles na sina Jo Christine at James Christopher.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,