Petisyon ni Makati Mayor Junjun Binay, nai-raffle na ng Court of Appeals

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 599

TRORAFFLED 031315

Nai-raffle na ng Court of Appeals ang petition for certiorari na inihain ng kampo ni Makati City Mayor Junjun Binay kaugnay ng suspension order ng office of the Ombudsman laban sa alkalde at dalawampu’t dalawang iba pa sa isyu ng Makati City Hall Parking Building.

Napunta ang kaso ni Binay sa CA 6th division na pinamumunuan ni Associate Justice Jose Reyes Jr. at nina Associate Justices Francisco Acosta at Eduardo Peralta Jr. bilang mga miyembro.

Hindi pa tiyak kung agad na makapaglalabas ng temporary restraining order o TRO sa suspension order ang CA 6th division dahil nakadepende ito sa mga mahistradong may hawak ng kaso.

Sa petisyong inihain ni binay, sinabi nitong may grave abuse of discretion ang Ombudsman dahil sa mabilis na pagpataw ng preventive suspension sa kanya.

Una nang iginiit ng alkalde na magpapatuloy ito sa kanyang trabaho habang nakabinbin ang apela sa CA. (Bianca Dava/UNTV News Correspondent)

Tags: , , , ,