Pharmacist na pinaslang sa loob ng botika nito, ililibing na ngayong araw

by Radyo La Verdad | October 3, 2017 (Tuesday) | 4958

Inilibing  na sa Santuaryo de Saniculas si Loigene Geronimo, ang pharmacist na pinaslang noong Martes ng gabi sa loob mismo ng kanyang botika sa barangay Muzon San Jose  del Monte, Bulacan.

Sa huling lamay kagabi,  maraming mga kaanak , kaibigan at kaklase nito ang nagtungo upang  makiramay sa naulilang pamilya ni Loigene.

Nagtungo rin ang ibat-ibang grupo ng pharmacist na nagpahayag ng kanilang mga suporta sa mga mahal sa buhay ng biktima.

Nagpapasalamat  naman ang asawa ni Loigene  na  si  Sandel sa mga taong nakiramay sa kanilang pamilya.

Umaasa pa rin ito na bago ang libing ng kanyang asawa ay makakamit nya ang hustisya.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Leave a Reply