PhilHealth Plus, naitala ang unang panalo sa UNTV Cup Season 7

by Radyo La Verdad | October 9, 2018 (Tuesday) | 618

Pasok na rin sa win column ang PhilHealth Plus matapos patikimin ng ikatlong sunod na talo ang Ombudsman Graftbusters sa kanilang sagupaan sa Pasig City Sports Center sa score na 122 – 99.

Kapwa nagbuslo ng tig bente nueve puntos sina J. Aldave at M. Pedroso upang pangunahan ang PhilHeatlh sa kanilang unang panalo ngayong season matapos ang tatlong laban.

Sa ikalawang game, nangunguna na sa Group B ang NHA Builders na may 3- 0 win loss record matapos talunin ang DA Food Masters sa score na 75 – 73.

Bagaman nagawang tambakan ng bente singko puntos ng NHA ang DA sa kalahatian ng third quarter, nagawa pa nitong makadikit sa 70 – 75 sa last 6 point 8 seconds ng ball game, ngunit kinapos na ng oras ang Food Masters.

Best player of the game si Antonio Lustestica Jr. na kumamada ng 23 points 3 rebounds 5 asssist at dalawang steals.

At sa ikatlong game, pinatumba ng AFP Cavaliers ang isa sa mahigpit nitong katungali ang PNP Responders sa score na 92 – 82.

Dahil dito, umangat sa unang pwesto na may 2-0 win loss record sa group a ang afp kaagapay ng senate defenders, habang nalaglag naman isang panalo at dalawang talo ang PNP.

Nanguna sa Cavaliers si Boyet Bautista na may 22 points, 4 rebounds, limang assist at tatlong steals.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,