Pilipinas, magsasampa ng kaso laban sa mga Chinese poachers sa Panatag Shoal

by Erika Endraca | April 17, 2019 (Wednesday) | 1691
Photo Courtesy
uscnpm.org

Manila, Philippines – Magsasampa ng kaso ang pamahalaan ng Pilipinas laban sa mga Chinese Poachers na nangunguha ng giant clams o taklobo sa Panatag Shoal.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Junior, naaktuhan ang pangunguha ng mga Chinese ng taklobo doon at naghain na rin sila ng diplomatic note sa china kaugnay dito.

Ang pahayag na ito ni Locsin ay sagot niya sa isang netizen na nagpaabot ng pagkadismaya dahil tila pinapabayaan umano ang mga Chinese na gawin iyon sa panatag shoal.


Tags: ,