Pinakamalaking diamond sa mundo, nakatakdang i-auction sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 1109

DIAMOND
Nakatakdang i-auction sa London sa susunod na buwan ang itinuturing na pinakamalaking diamond sa mundo.

Ang “lesedi la rona” o “our light” sa wikang ingles ay inaasahang maibebenta sa halagang $70 million dollars.

Ayon sa auction House Sotheby’s, nakatakdang ibenta ang 1,190-carat diamond sa June 29.

Nahukay ito noong November 2015 ng Canadian mining company na Lucara Diamond Corp. sa Botswana.

Kasinglaki ito ng tennis ball at pinaniniwalaang nasa 2.5 bilyon o higit 3 bilyong taon na.

(UNTV NEWS)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,