Pinoy, patay sa pambobomba sa Libya

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 575

IMAGE_NEWS_MAY302014_CHARLES-JOSE_LIBYA

Isang pilipino ang nasawi sa pambobomba sa Zawiya, Libya.

Sa kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs, naganap ang pambobomba noong March 29 pero wala pang detalye sa pangalan at trabaho ng pilipino mula sa embahada ng Pilipinas sa Tripoli.

Muli namang nanawagan ang DFA sa higit 4,000 OFW sa Libya na samantalahin ang repatriation program ng pamahalaan upang huwag maipit sa kaguluhan sa Libya.

Umiiral ngayon ang mandatory repatriation doon matapos itaas ng DFA ang crisis alert level 4.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: