Pinsala ni Bagyong Ompong sa Cagayan, umabot na sa mahigit P4B

by Radyo La Verdad | September 17, 2018 (Monday) | 4095

Sa pagtaya ng provincial government ng Cagayan, umabot na sa mahigit apat na bilyong piso ang pinsalang iniwan ng bagyo.

4.6 bilyong piso ang pinsala sa agrikultura habang ang inisyal na halaga ng pinsala sa imprastraktura ay umabot na sa 46 milyong piso.

Karamihan sa napinsala ay mga taniman ng mais at palay habang mga bahay na gawa sa light materials ang nasira ng malakas na hangin.

Dahil dito, nagdeklara na ng state of calamity ang buong probinsya upang mapadali ang pagpapalabas ng pondo na kinakailangan para sa relief at rehabilitation.

Umabot rin sa labing isang libong pamilya o katumbas ng mahigit apat na put anim na libong indibidwal ang nailikas sa iba’t-ibang evacuation centers.

 

 

Tags: , ,

Higit 22-K, apektado sa pananalasa ng bagyong Neneng

by Radyo La Verdad | October 17, 2022 (Monday) | 11204

METRO MANILA – Umaabot sa 86 barangay sa 3 rehiyon ang naapektuhan ng bagyong Neneng.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 6,260 pamilya o 22,700 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Base pa sa NDRRMC, 30 mga evacuation center ang pansamantalang tinutuluyan ng 926 na residenteng naapektuhan ng bagyo.

3,702 indibidwal naman ang isinailalim sa pre-emptive evacuation mula sa Region 2.

Samantala sa isang tweet tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior na maibibigay ang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente, kabilang na ang pagkain, maiinom na tubig at elektrisidad.

Tags: , ,

Pinsala ng bagyong Karding sa agrikultura, umabot na sa P141M

by Radyo La Verdad | September 27, 2022 (Tuesday) | 16092

METRO MANILA – Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA) nasa P141-M na ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Karding sa agrikultura sa bansa.

Nasa 740 na mga magsasaka ang naapektuhan at 16,299 ektarya ng agricultural areas.

Kasama sa mga nasira ng bagyo ang palay, mais at gulay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon.

Sa Nueva Ecija dumapa ang mga palay na malapit na sanang anihin. Top producer ang Nueva Ecija pagdating sa produksyon ng palay sa bansa.

Ayon naman sa DA, may nakahanda naman silang binhi at iba pang ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyo.

Tags: , ,

Nasa 71,000 indibidwal naapektuhan ng Bagyong Florita – NDRRMC

by Radyo La Verdad | August 26, 2022 (Friday) | 7335

Nasa pitumpu’t isang libong indibidwal na ang naapektuhan ng pagtama ng bagyong florita sa bansa.

Ayon sa inilabas na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw, Aug. 26, nagmula ang mga ito sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, CALABARZON at Metro Manila.

Nasa kabuuang 776 na pamilya naman ang nananatili sa mga evacuation center, habang 169 ang nakikituloy sa bahay ng kanilang mga kaanak o kaibigan. Tatlumpu’t tatlong (33) bahay naman ang napaulat na nasira sa Ilocos Region, Cagayan Valley at CAR.

Umabot naman sa 6.2 million  pesos halaga na ng food packs, hygiene kits at relief assistance na ang naibigay sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyo.

Tags: , ,

More News