Planong pagbabawal ng mga provincial bus sa EDSA, tinutulan ng isang kongresista

by Radyo La Verdad | August 16, 2018 (Thursday) | 2370

Tutol si Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe sa planong pagbabawal ng mga provincial bus sa EDSA.

Ayon kay Batocabe na presidente ng Party-list Coalition sa Kamara, dagdag gastos ito sa mga taga-Cavite at Laguna na nagtatrabaho sa Metro Manila.

Pahirap din aniya ito sa mga mananakay na galing sa malalayong probinsya lalo’t hindi pa naisasaayos ang integrated bus terminal.

Tags: , ,