PNP, AFP at COMELEC tuloy tuloy ang pagplantsa sa security plan na ipatutupad sa halalan

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 1639

LEA_SECURITY-PLAN
Tuloy-tuloy ang pagpupulong ng mga ahensya ng pamahalaan na inatasan ng Commission on Election magbantay sa seguridad ng halalan sa Mayo a nuebe.

Kabilang sa dumalo sa joint security plan workshop ay ang mga regional director ng Philippine National Police, area commanders ng Armed Forces of the Philippines at ang COMELEC.

Ayon kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez, layon nito na malaman ng mga naturang ahensya ang kanilang role o partikular na gagawin sa pagbabantay sa halalan.

Samantala, isasali na rin nila bilang augmentation force ang 213 na bagong pulis mula sa PNPA masundayaw class of 2016 na formal nang tinanggap ng PNP kagabi.

Dagdag ni Deputy Chief for operations PDDG Danilo Constantino, kasama sa pinag uusapan ng mga opisyal ng PNP, AFP at COMELEC sa joint security plan ay ang assessment ng ibat ibang lugar sa bansa lalo na ang nasa election watchlist area at mga lugar kung saan may naitalang election related incidents upang doon magtalaga ng mas maraming tauhan.

Kinumpirma rin nito na naipamigay na nila sa mga regional director ang pondong mula sa COMELEC.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,