PNP Chief, muling iginiit na pabor siya sa muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao

by Radyo La Verdad | November 6, 2018 (Tuesday) | 2165

Muling binigyang-diin ni PNP Chief Oscar Albayalde na sang-ayon siyang muling palawigin ang pagpapatupad ng martial law sa Mindanao.

Ginawa ng heneral ang pahayag matapos iulat na bumaba ang naitalang bilang ng krimen sa rehiyon.

Mula Enero hanggang Setyembre noong nakaraang taon, nasa 8.79 percent ang average monthly crime rate na naitala ng PNP, subalit bumaba ito sa 5.92 percent ngayong taon.

Ayon kay Albayalde, mahalaga ang muling pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao lalo na ngayong papalit na ang May 2019 elections.

Tags: , ,