PNP Chief PGen. Guillermo Elezar, pinaiimbestigahan ang pagsabog sa Bicol University

by Erika Endraca | October 6, 2021 (Wednesday) | 2680

Pinaiimbestigahan ngayon ni PNP Chief PGen Guillermo Elezar ang 2 pagsabog na naganap sa loob ng Bicol University noong lingo ng gabi (October 3).

Ayon sa nakarating na ulat kay PGen Elezar, ang pagsabog ay nagsimula bandang 6:30 ng gabi at agad na rumesponde ang Explosives and Ordinance Group.

“Wala mang masyadong aktibidad ng mga estudyante at mga guro sa loob ng campus dahil sa pandemya, kailangang alerto pa rin ang ating kapulisan laban sa mga ganitong uri ng pag-atake,” ani PNP Chief PGen. Guillermo Elezar.

Nanawagan naman si PGen Elezar na kung sinoman ang may alam tungkol sa pagsabog na naganap ay makipag tulungan lamang sa mga awtoridad.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: