PNP, handang tiyakin ang seguridad ni Sen. Leila de Lima kung papayagan ng korte ang hiling na makauwi sa Bicol

by Radyo La Verdad | March 20, 2017 (Monday) | 1788


Handa ang Philippine National Police na magbigay ng seguridad kay Sen. Leila de Lima oras na payagan ito ng korte sa kanyang hiling na umuwi sa Bicol ngayong darating na Abril.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa susunod lamang sila sa utos ng korte.

Base sa regulasyon sa PNP, ang requesting party ang sasagot ng lahat ng gastos sa pagkain at transportasyon ng mga security personnel oras na pagbigyan ang sinumang akusado na pansapantalang lumabas ng detention cell.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,