PNP Iloilo City, nagsagawa ng Gift Giving at Feeding Program sa Aeta Community

by Erika Endraca | September 14, 2021 (Tuesday) | 57

Nagsagawa ng gift giving at feeding program ang Philippine National Police (PNP) Iloilo City sa mga Aeta Community sa Barangay Leong Cabanatuan City nitong September 2.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-27th National Crime Prevention.

Maliban sa gift giving at feeding program, ang mga bata ng Aeta Community ay nakatanggap din ng mga tsinelas.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar sana’y maging ehemplo ito sa iba pang mga pulis sa buong bansa.

“Sa ating pagtulong, wala dapat Pilipinong naiiwan. Hindi natin dapat kalimutan ang mga kapatid nating Aeta at iba pang indigenous groups dahil lubos din silang apektado ng pandemya,” ani PNP Chief Police General Guillermo Eleazar.

Ang nasabing aktibidad ay proyekto ng Iloilo Kopino (Korean-Filipino) Community Inc, AFPSLAI Iloilo, values formation pastors, Regional Police Security and Protection Unit 6, Regional Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit 6, Cabatuan PNP at ng Police Community Affairs and Development Unit.

(Zy Cabiles | Laverdad Correspondent)