PNP, inatasan ng Pangulo na paigtingin ang kampanya kontra iligal na paputok

by Radyo La Verdad | October 31, 2018 (Wednesday) | 2800

Dalawang buwan bago magpalit ng taon, inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Memorandum Order No. 31.

Ito ay nag-uutos sa Philippine National Police (PNP) at iba pang concerned government agencies na paigtingin ang pagpapatupad sa Republic Act 7183 o ang regulasyon hinggil sa pagbebenta, paggawa at distribusyon ng mga paputok at pyrotechnic devices.

Sa naturang memorandum na nilagdaan ng Pangulo noong ika-29 ng Oktubre, pinakukumpiska at pinasisira ng punong ehekutibo ang lahat ng ipinagbabawal na paputok.

Kakanselahin din ang lisensya at permiso ng mga lalabag sa naturang batas.

Bukod dito, inatasan din ng punong ehekutibo ang mga kagawaran, ahensya at iba pang kaugnay na tanggapan na suportahan ang implementasyon ng naturang memorandum.

Tags: , ,