PNP OIC Espina, nakatakdang i-turnover ang BOI report kay SILG Roxas

by monaliza | March 13, 2015 (Friday) | 517
File photo: Pagturnover ni BOI head P/Director Benjamin Magalong ng report kay PNP OIC Leonardo Espina

File photo: Pagturnover ni BOI head P/Director Benjamin Magalong ng report kay PNP OIC Leonardo Espina

Ngayong 11:00 ng umaga, March 13 nakatakdang isumite kay PNP OIC P/DDG Leonardo Espina ang BOI report kay DILG Sec. Mar Roxas sa lobby ng national headquarters

7:00 kagabi nang matangap ni Gen. Espina ang report ng Board of Inquiry na isinumite ng BOI Team sa pangunguna ni BOI head, Police Director Benjamin Magalong

Ang nasabing report ay aabot sa mahigit 120 pahina kasama ang findings at recommendation habang hindi naman kasama sa ulat ang mga annexes

Nakatakdang ibigay ang limang inisyal na kopya sa PNP OIC, SILG, Senado, House of Representatives at Ombudsman

Ipinahayag naman ni Magalong na aabot sa 60 hanggang 70 kopya pa ang kailangan i-imprenta upang maipamahagi sa mga humihingi ng report kasama na ang pamilya ng saf 44

Nilinaw naman ni Gen. Magalong na hindi nakaapekto ang pagsasalita ni Pangulong Benigno Aquino III noong Lunes kaugnay sa operasyon. (Lea Ilagan/UNTV News Correspondent)

Tags: , , , , , ,