PNP Responders, hangad na mapanatili ang 7-0 win loss record sa elimination round ng UNTV Cup Executive Face Off

by Radyo La Verdad | June 8, 2018 (Friday) | 1518

Magkakaalaman na sa Linggo kung sino sa Malacanang – PSC Kamao at GSIS Thunder Furies ang makapapasok sa win column sa kanilang sagupaan sa triple header ng UNTV Cup Off Season Executive Face Off sa second game alas tres ymedya ng hapon sa Pasig City Sports Center.

Umaasa ang magkabilang koponan na matutuldukan na ang kanilang lossing streak at maitatala ang kanilang unang panalo.

Kapwa nasa must win situation ang Malacañan at GSIS sa nalalabi nilang apat na laban para sa elimination rounds.

Sa ngayon magkakaagapay sa ilalim na pwesto ang Malacañan, GSIS at AFP Cavaliers na wala pang naipapanalo sa kanilang naunang talong laban.

Ang GSIS, sisikapin umano na magtuloy-tuloy na ang improvement ng kanilang koponan.

Samantala, pursigido naman ang PNP Responders na makapanatili sa itaas ng standings at maingatan ang kanilang malinis na record.

Ayon kay PNP headoach SPO2 Alfred Suarez, hangad nila na makuha ang pitong sunod na panalo sa elimination rounds. Kaya naman aniya mas lalo pa nilang pag-iibayuhin ang pag-eensayo.

Hindi naman magpapahuli ang DOJ sa pag-eensayo. Magtutuos ang PNP at DOJ sa main game alas singko ng hapon.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,