PNP-SAF, hindi maaaring permanenteng magbantay sa New Bilibid Prison

by Radyo La Verdad | June 13, 2016 (Monday) | 2602

LEA_PANSAMANTALA
Bukas ang Philippine National Police Special Action Force na tumulong sa gagawing reorganisasyon at paglilinis sa New Bilibid Prison.

Gayunman sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations PDDG Danilo Constantino na hindi sila maaarig permanenteng magbantay sa mga preso gaya ng nais ni incoming justice secretary vitaliano aguirre.

Sinabi ni Constantino na nakaatang sa balikat ng SAF ang paglaban sa mga teroristang tulad ng bandidong Abu Sayyaf kaya’t hindi maaaring mabawasan ang pwersa ng mga ito para ilagay sa NBP.

Maaari sigurong gamitin ang SAF sa unang stage lamang ng implementasyon nang kanilangproyekto tulad nang paglilinis sa mga tiwali sa NBP subalit hindi maaaring pang matagalan.

Tumanggi namang sagutin ng hepe ng Special Action Force kung pabor sila at kung ilan ang kanilang pwersa sa kasalukuyan.

Hihintayin na lang anila ang pormal na kautusan para sa usaping ito.

Oktubre ng nakaraang taon inihayag ng tagapagsalita ng SAF na si PSInsp. Jayson Baldos na nangangailangan pa sila ng 5 libong tauhan upang madagdagan ang mahigit 4 na libong tauhan nila sa kasalukuyan.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

Pag-alis sa New Bilibid Prison ng mga convicted Chinese prisoner, kinuwestiyon ng ilang Senador

by Radyo La Verdad | September 5, 2019 (Thursday) | 10639

Kinuwestiyon ng ilang Senador ang paglipat sa ilang convicted Chinese prisoners sa Philippine Marine Compound sa Taguig City sa bisa ng isang memorandum order ng Bureau of Corrections.

Nais malaman ng mga Senador ang dahilan kung bakit inalis sa New Bilibid Prison ang mga ito at kung pumayag ba ang korte dito.

Ayon kay justice Secretary Menardo Guevarra, ipinagbigay alam sa kaniya ang paglilipat sa mga preso pero aalamin muna niya kung aprubado ng korte ang naturang hakbang.

“It really depends on the specific reasons or justification for the arrangement to be made as far as I can remember the particular arrangement was done for security reasons for because  I think this people are witnesses to a certain case,” ani DOJ Sec. Menardo Guevarra.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,

Sunog sa factory building sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, idinekalara ng fire out

by Radyo La Verdad | October 10, 2018 (Wednesday) | 31006

Sumiklab ang sunog sa loob ng medium security compound ng New Bilibid Prisons sa Barangay Poblacion sa Muntinlupa City.

Ayon sa inisyal na ulat Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas 3:50 ng madaling araw na umabot sa ikaapat na alarma.

Alas 6:52 ng umaga nang ideklara ng BFP na kontrolado na ang sunog at tuluyang naapula 8:42 kaninang umaga, partikular na nasunog ang factory building ng mga handicrafts at wood decors.

Ayon kay Senior Supt. Gerardo Padilla ng Bureau of Correction (BOC), may lawak na 1500 square meter ang factory na nasunog.

Wala ring napaulat na nasugatan o nasawi na inmates dahil may layong 50 meters ang factory building sa kulungan ng mga preso.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng apoy at halaga ng napinsalang mga ari-arian.

Tags: , ,

Muntinlupa Court, hindi pinagbigyan ang hiling ni Sen. De Lima na i-disqualify ang ilang testigo ng prosekusyon

by Radyo La Verdad | October 2, 2018 (Tuesday) | 11895

Hindi pinagbigyan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang hiling ni Senator Leila De Lima na ma-disqualify ang labintatlong testigo ng prosekusyon sa kanyang drug-related case.

Sa 3-pahinang kautusan ni Judge Lorna Navarro Domingo ng Muntinlupa RTC Branch 206, nakasaad na walang basehan ang mosyon ni De Lima na huwag patestiguhin ang mga inmates ng Bilibid na kinabibilangan nina Peter Co at Herbert Colanggo.

Paliwanag ng korte, batay sa panuntunan ng paglilitis, hindi dahil convicted na sa sari-saring mga kaso ang mga inmate ay hindi na sila pwedeng maging state witness.

Magugunitang ipinatatanggal ni De Lima bilang testigo ang mga inmate dahil sa umano’y kawalan ng kredibilidad ng mga ito.

Samantala, muling ipinagpaliban ang paglilitis sa kaso ni De Lima kanina dahil bigong makarating ang mga abogado ng kanyang mga kapwa-akusado na sina Ronnie Dayan at Joenel Sanchez.

Nag-ugat ang kaso ni De Lima sa umano’y pakikipagsabwatan nito sa mga bilanggo sa New Bilibid Prison upang magbenta ng iligal na droga.

 

 

 

Tags: , ,

More News