PNP, tuloy ang pagbabantay laban sa pag usbong ng Illegal Numbers Game

by Erika Endraca | August 13, 2019 (Tuesday) | 1025

MANILA, Philippines – Tuloy ang operasyon at pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga nagsasagawa ng illegal numbers game.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, tuloy ang kanilang monitoring sa iba’t ibang lugar sa bansa para mapigilan ang pag usbong ng illegal numbers game.

Sinabi din ni Banac na mayroon ding nahuli ang PNP sa Laguna at Metro Manila na nag ooperate ng Small Town Lottery (STL) kahit na ipinatigil na ng pangulo ang operasyon nito.

Panawagan ng PNP sa publiko, agad na isumbong sa pulisya sakaling may nagaganap pang bola ng jueteng sa kani- kanilang lugar.

(Lea Ylagan | Untv News)

Tags: ,