PNP, wala nang ii-isyu na bagong permit sa paggawa ng paputok

by Radyo La Verdad | November 6, 2018 (Tuesday) | 3900

Bilang pagsunod sa Memorandum Order Number 31 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-31 ng Oktubre, wala nang ii-isyu na bagong permit sa paggawa ng firecrackers at pyrotechnics devices ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, mahigpit namang imomonitor ng firearms and explosive office ang mga kasalukuyang firecracker manufacturer kung sinusunod ng mga ito ang regulasyon ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Albayalde na ang paglimita sa bilang ng mga firecracker manufacturers ay simulang hakbang lamang sa posibilidad na magpatupad ng total firecracker ban.

Ang Memorandum Order Number 31 ay nag-aatas sa PNP at iba pang law enforcement agencies sa istriktong pagpapatupad ng mga alituntunin hinggil sa paggawa, pagbebenta at paggamit ng firecrackers at pyrotechnic devices.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,