PNP, walang namomonitor na banta sa anibersaryo ng NPA ngayong araw

by Radyo La Verdad | March 29, 2023 (Wednesday) | 12246

METRO MANILA – Walang namo-monitor na banta ang Philippine National Police (PNP) sa pagdiriwang ng  anibersaryo ng New Peoples Army (NPA) ngayong araw.

Gayunpaman, sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na nakahanda pa rin sila sa ano mang posibleng mangyari.

Dagdag ni Col. Fajardo, nagdeploy na din ang PNP ng dagdag pwersa sa mga rehiyon na  mayroong presensya ng NPA.

Ipinaa-assess na din aniya ni Chief PNP sa Regional Directors ang mga lugar na  kanilang nasasakupan para maiwasan ang katulad na insidente sa Masbate kung saan nakapaglunsad ng pag atake ang NPA malapit sa eskwelahan.

“Yung ating mga maneuver forces po from the public safety forces po natin ay idadagdag at ipapadala natin sa mga areas na identified at vulnerable po sa atrocities at harassments po “ ani Pnp Spokesperson, PCol. Jean Fajardo.

Tags: ,