Police Visibility sa mga pampublikong lugar, paiigtingin ng PNP ngayong ‘Ber’ months

by Erika Endraca | September 3, 2019 (Tuesday) | 4277

MANILA, Philippines – Paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang Police Visibility sa mga pampublikong lugar ngayong ‘Ber’ months.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde layon nito na mapangalagaan ang seguridad ng publiko lalo na sa mga lugar na dinadagsa ng mga tao.

Pero ayon sa opisyal, hindi katulad sa mga nakaraang taon, bumababa na ang bilang ng mga nangyayaring krimen sa bansa sa panahon ng Ber months.

“Wala namang pagbabago pa ‘yong security preparations natin. Although in the coming days, we will reinforce our visibility and our target hardening measures.” ani PNP Chief, PGen. Oscar Albayalde.

Tags: