Posibleng dagdag-bawas sa oil products, ipatutupad bukas, March 5

by Radyo La Verdad | March 4, 2024 (Monday) | 392

METRO MANILA – Magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga oil industry player bukas araw ng Martes, March 5.

Batay sa inisyal na pagtaya ng oil companies, tataas ng P0.40 – P0.60 ang presyo ng bawat litro ng gasolina.

Gayunpaman, may good news naman dahil posibleng magkaroon ng bawas na P0.30 – P0.50 ang kada litro ng gasolina.

Habang ang presyo naman ng kerosene ay inaasahang may rollback na P0.20 – P0.40.

Bunsod pa rin ng pabago-bagong galaw sa presyo sa international market ang inaasahang panibagong oil price adjustment.

Tags: