“Power Capsule” charging case, inilunsad para sa wireless headphones

by Radyo La Verdad | September 14, 2016 (Wednesday) | 569
Photo credit: digitaltrends.com

Photo credit: digitaltrends.com

Ilalabas sa susunod na linggo ng kompanyang Morphie ang charging case na “Power Capsule” na nilikha upang magsilbing lalagyan at charger ng mga wireless headphones.

Ayon sa kompanya, nasa 1,400 milliampere-hour ang battery ng “Power Capsule” na kayang magbigay ng walong full charge sa isang wireless headphone.

May integrated USB port rin ang naturang charging case na compatible para mai-charge ang ilang maliliit na device gaya ng fitness trackers at wearables.

Gawa sa high quality EVA foam at silicone ang “Power Capsule” kaya’t protektado ang wireless headphone na ayon sa kompanya ay dinevelop para sa mga taong “on the move.”

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,