
Magpapatupad ng 10 oras na power interruption sa ilang lugar sa Zamboanga ang National Grid Corporation of the Philippines bukas.
Batay sa abiso ng NGCP, kabilang sa maaapektuhan ang lugar na seneserbisyuhan ng ZANECO at ZAMSURECO-1.
Magsisimula ang power interruption mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Layun ng power interruption na ayusin ang sira sa kahabaan ng Molave-Mahayag-Dapitan/Roxas 69-kilovolt line.
Tags: blackout, NGCP, power interruption
METRO MANILA – Patuloy ang ginagawang inspection at assessment ng mga tauhan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa epekto ni bagyong Egay sa mga operasyon at pasilidad nito.
Bukod dito, sabay-sabay na ring isinasagawa ang restoration activities sa mga lugar na maaari nang mapuntahan.
Paglilinaw ng NGCP na ang kanilang ginagawa ay tumutukoy lamang sa katayuan ng transmission network.
Hindi kasama rito ang localized disturbances na tinutugunan ng distribution utility at ang mga linyang eksklusibong naghahatid ng direktang koneksyon sa mga industrial costumers.
Hanggang alas-9 kagabi (July 26), hindi pa rin operational ang 4 na transmission facilities ng NGCP.
Tags: NGCP
METRO MANILA – Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng posibleng power interruptions ngayong tag-init.
Kasunod ito ng hindi pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa kanilang request na monthly extensions sa ancillary services agreements.
Ito ay mga reserbang power supply na kapag hindi naaprubahan ay maaaring magdulot ng brownout.
Bunsod ng ERC denial sa kasunduan, ay maaaring magkaroon ng mga power interruption.
Sumulat na ang NGCP sa Department of Energy (DOE) para hilingin na makialam na sa isyu.
Tags: DOE, NGCP, power interruption

Manila, Philippines – Nakuwestiyon ng ilang mambabatas sa pagdinig sa senado kahapon ang kawalan ng parusa sa mga power producer na nagkaroon ng hindi inaasahang maintenance shutdown na siyang dahilan kaya numinipis ang supply ng kuryente partikular na sa Luzon.
Kahapon nagsagawa ng imbestigasyon sa senado kaugnay ng pagnipis sa supply ng kuryente sa Luzon grid dahil sa mga unplanned maintenance shutdown ng ilang power plant.
Binusisi ng Committee on Energy ng 2 kapulungan ng Kongreso ang Energy Regulatory Board at Department of Energy (DOE) ang mga hakbang nito upang matugunan ang problema sa kakulungan ng supply ng kuryente tuwing sumasapit ang taginit.
Ipinagtataka ng mga mambabatas kung bakit halos sabay-sabay nagkakaroon ng mga hindi ina-asahang maintenance shutdown o unscheduled outages ang mga power plant.
Dito na nakwestiyon kung bakit walang malinaw na polisiya tungkol sa pagpapataw ng parusa ukol dito. Bagay na sinagot naman ng DOE.
“We want to see a policy that will penalize the power producers, because its their job to make sure that their commitment is always a commitment” pahayag ni Senate Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian.
“As of now, none mr chair,again depending on their contractual arrangement with their offtakers” ani Department of Energy Assistant Secretary Redentor Delola.
Giit ng consumer group na Laban Konsyumer, dapat gayahin ng ERC ang ginawa ng mwss na pinatawan ng multa ang manila water dahil sa water crisis.
“They can do what mwss did sa tubig,meron namang mandate to impose penalty” tinig ni Laban Konsyumer President Attorney Victor Dimagiba
Sa ngayon ayon sa DOE, pinag-aaralan na nila ang ilang polisiya tulad ng interruptible load program upang maiwasan na ang mga ganitong mga problema na krisis sa kuryente dulot ng sabay-sabay na maintenance shutdown ng mga power plant.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Department of Energy, Laban Konsyumer, power interruption