Prangkisa ng mga school service operator na makikiisa sa kilos protesta, sususpindihin ng LTFRB

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 2436

MON_LTFRB
Sususpindihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang prangkisa ng mga school service operator na makikiisa sa kilos protesta sa lunes.

Ayon sa LTFRB, walang palabra de honor ang mga lider ng mga transport group dahil sumang-ayon ang mga ito sa kasunduan na phase out ngayong taon matapos silang bigyan ng isang taong extension.

Ayon sa mga school bus operator, tuloy ang kanilang kilos protesta sa lunes na magsisimula ng alas singko ng umaga.

Magtitipon sila sa Quezon City Circle bago magtungo sa opisina ng ltfrb upang tutulan ang ipinatutupad na phase out ng mga lumang school service.

(UNTV RADIO)

Tags: ,