Preliminary Investigation sa “tanim-bala” case, tinapos na ng DOJ

by Radyo La Verdad | February 10, 2016 (Wednesday) | 1213

RODERIC_DOJ
Tinapos na ng Department of Justice ang preliminary investigation sa kaso ng “tanim-bala” kung saan sinasabing nabiktima ang amerikanong si Lane Michael White.

Submitted for resolution na ang mga reklamo laban sa anim na tauhan ng PNP-Aviation Security Group at Office for Transportation Security.

Inaakusahan ni White ang mga tauhan ng airport police ng tangkang pangingikil ng 30-thousand pesos kapalit ng pag-urong ng demanda laban sa kanya matapos makitahan ng bala sa kanyang bagahe noong Setyembre.

Mariin namang itinanggi ng mga respondent ang reklamo at sinabing malinaw sa CCTV footage ng NAIA na hindi nataniman ng bala ang bagahe ni White.

Tags: , ,