
METRO MANILA – Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na sinungaling at inakusahan ang bise presidente na nasa likod ng umano’y pagkwestyon kung nasaan siya sa kasagsagan ng bagyong Ulysses.
“I would like to just give a caution to the vice president. She made a blunder, a big one, and she practically lied making her incapable of truth. Alam mo ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo I was here, dito. I was attending a summit ASEAN Summit ‘yon. So virtual lang palit-palit kami, we were talking sa electronic. Nandito ako noon. Kasagsagan ng bagyo dumaan diyan sa labas nag-uusap kami dito.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag din ng pangulo ang schedule ng kaniyang pagta-trabaho. Kasabay nito ang pagtanggi na natutulog siya habang nanalasa si typhoon Ulysses.
“Ngayon, sinabi ko sa tao ‘yan that I’m a night person. My day begins at two, two o’clock hanggang sa gabi na walang limit. In our cabinet meetings ganun.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinagtanggol din ng presidente ang ginawang pagtugon ng pamahalaan kaugnay ng kalamidad. Aniya, naka-preposition na ang mga tauhan ng militar at pulisya at nabilinan na sa dapat nilang gawin ilang araw bago pa manalasa ang bagyo. Tahasan ding sinabi ng Presidente na hindi makikinig ang militar sa bise presidente.
“While you were making calls, nagche-check ka pakunwari… alam mo ‘yung mga military hindi ‘yan maniwala sa iyo because tama sila you are not in the line of authority basta ganun” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, sa mga serye naman ng tweets, sinagot ni Vice President Leni Robredo ang mga banat sa kaniya ng presidente. Aniya, hindi niya tinanong kailanman kung nasaan ang Pangulo.
Sa kasagsagan din aniya ng matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela, ipinararating lang niya sa AFP at PNP ang lahat ng mga humihingi ng tulong sa kaniyang tanggapan para sila’y ma-rescue.
Mahalaga rin aniyang maisapubliko ang mga nakukuha nilang updates sa ground at mabigyan ng katiyakan ang mga apektadong residente na nakarating ang paghingi nila ng tulong sa mga otoridad at ginagawan ng paraan na sila’y masagip.
Sa huli, ipinunto ni VP Robredo na dapat sa panahon ng sakuna, lahat ng tulong ay welcome dahil hindi naman ito contest at dapat magtulong-tulong para sa mga nangangailangang kababayan.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: VP Robredo

Hindi naman nasangkot sa pagpapatupad ng anti-drug war ng pamahalaan kaya wala ring significant na pagbabago at naimbag sa law enforcement operations si Vice President Leni Robredo nang maupong co-chair ng inter-agency committee on Anti-illegal Drugs o ICAD. Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director-General Aaron Aquino sa Malakayang kaninang umaga, Huwebes, Dec. 12.
“She did not in any way supervise our people down there in the fields so I guess wala namang nabago o wala namang dapat glaring issues na makikita natin na talagang bumababa ang krimen o bumababa ang accomplishments natin sa drugs,” ani Aaron Aquino, Director-General, PDEA.
Tila nadismaya rin ang PDEA Chief dahil sa hindi muna hinarap ng Bise Presidente ang lahat ng clusters ng ICAD bago nakipagpulong sa mga opisyal ng United States Embassy sa Pilipinas at United Nations.
Aniya, mas mauunawaan sana ng Pangalawang Pangulo ang lawak ng suliranin ng bansa sa iligal na droga kung nakaharap muna nito ang apat na ICAD clusters: enforcement, advocacy, justice at rehabilitation and reintegration clusters. Ang enforcement cluster lang ang aniya ang na-meet ng Bise Presidente sa ilalim ng kaniyang pagiging ICAD co-chair.
“Should she meet the four clusters, mas magiging malaki yung kaniyang scope of knowledge kung ano ang drug situation ng pilipinas and maybe after meeting the 4 clusters, eh sana kung mayroon man siyang mai-implement na program or strategy to strengthen the ICAD, ‘di sana nagawa yun,” ayon pa kay Aaron Aquino, Director-General, PDEA.
Ayon naman sa kampo ni VP Robredo, hintayin na lang ang ilalabas na ulat at rekomendasyon ng Pangalawang Pangulo hinggil sa anti-drug campaign sa susunod na linggo.
Samantala, nabanggit din ng PDEA chief na nagsasagawa na ng pag-aaral ang Dangerous Drugs Board (DDB) sa kabuoang bilang ng mga drug pusher at user sa bansa.
Matatandaang unang naging direktiba ni VP Robredo nang maupo bilang anti-drug czar ang magkaroon ng baseline data ang gobyerno kaugnay ng illegal drug problem sa Pilipinas.
Inuumpisahan na ito ngayong taon at target na matapos sa 2020.
(Rosalie Coz)
Tags: Leni Robredo, pdea, PDEA Dir. Aaron Aquino, VP Robredo

METRO MANILA – Kinumpirma ni Attorney Barry Gutierez, tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na natanggap na nila ang sulat mula sa opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagtatalaga sa Pangalawang Pangulo bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs. Pero para sa kampo ng Pangalawang Pangulo tila hindi pa handang tanggapin ang posisyon.
“Papaano naman namin ititake seriously itong ganitong klaseng offer kung yung mismong itong co-chair niya sa kumite ay Kahapon lang, klaruhin natin, Kahapon lang yun, ay hindi raw siya naniniwala doon sa magiging co-chair niya.” ani Spokesperson to the Vice President Atty. Barry Gutierez.
Ayon pa kay Gutierez hindi namang kapangyarihan at hindi nag e-exist ang posisyon bilang co-chair sa interagency committee on anti-illegal drugs.
“Even with this appointment clearly it’s still be the president who will be calling the shots. Walang power itong co-chair ng ICAD even granting that it will be created somehow in the future dahil ngayon hindi siya nag eexist.” ani Spokesperson to the Vice President Atty. Barry Gutierez.
Samantala ngayong araw (Nov.6) ay nakatakdang ipadala ni VP Robredo sa Malacañan ang lahat ng kanyang mga suhestiyon at tindig sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan.
(Vincent Arboleda | UNTV News)
Tags: VP Robredo
Tumaas ng ilang puntos ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa survey na isinagawa noong ika-15 hanggang ika-23 ng Setyembre, nakakuha si Robredo ng positive thirty four na net satisfaction rating, mas mataas ng dalawang puntos kumpara sa nakuha niyang rating noong Hunyo na positive thirty two.
Batay rin sa survey, limampu’t pitong porsyento ng mga Pilipino ang kuntento sa trabaho ng pangalawang pangulo habang twenty three percent naman ang hindi.
68% naman sa mga Pilipino ang kuntento sa trabaho ni Senate President Vicente Sotto III, habang mas marami naman ang hindi kontento sa performance ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Tags: Pilipino, SWS, VP Robredo