Presidential aspirants, puspusan ang paglilibot sa mga lalawigan upang mangampanya

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 820

PRESIDENTIABLES
Tuluy-tuloy ang ginagawang pangangampanya ng presidential aspirants ilang buwan bago ang national elections sa Mayo 09.

Ang Team Liberal, sa Urdaneta, Pangasinan naglibot ngayong araw matapos manuyo ng mga botante sa Baguio City kahapon.

Si Vice President Jejomar Binay naman ng United Nationalist Alliance Party ay bumisita rin sa Baguio City kahapon kasama ng kanyang senatorial slate.

Mahigit 350,000 ang voting population ng Benguet Province at 150,000 sa mga ito ay sa Baguio City.

Samantala, si Sen. Grace Poe naman ay sa Iloilo naglibot ngayong araw na kilalang balwarte ni Roxas.

Habang si Mayor Rodrigo Duterte ay sa Tacloban City naman nagsagawa ng campaign rally.

Samantala, paalala ng Commission on Elections sa mga lokal na kandidato na sa March 29 pa opisyal na magsisimula ang kanilang pangangampanya kaya dapat iwasan ang anumang premature campaigning.

(UNTV NEWS)

Tags: