Presidential Spokesperson Sec. Roque, itinangging hinihikayat ng pamahalaan ang pagkakaroon ng fake news

by Radyo La Verdad | February 1, 2018 (Thursday) | 3587

Hindi hinihikayat ng pamahalaan ang paglalabas ng mga fake news, ito ang mariing pahayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos na mapagkamalian umano ng traditional media ang kaniyang mga pahayag noong January 28 tungkol sa isyu.

Ipinunto pa nito ang desisyon ng Korte Suprema sa Estados Unidos para patunayang ang isang maling pahayag ay nagagamit upang mapalitaw kung ano ang katotohanan.

Sa huli, binigyang-diin ng opisyal na hindi magiging bahagi ng polisiya ng pamahalaan ang fake news.

Ang mga mamamayan din aniyang naliliwanagan ang makakaalam kung ano ang mabuting pamamahayag sa hindi.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

DSWD, nagbabala laban sa kumakalat na Tiktok post

by Radyo La Verdad | June 17, 2024 (Monday) | 19197

METRO MANILA – Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kumakalat na video sa Tiktok kung saan nagbibigay umano ang kagawaran ng educational assistance sa mga ma-gaaral buong bansa.

Pinapayuhan ng kagawaran ang publiko na huwag magpapaloko sa naturang post.

Nilinaw din ng DSWD na hindi sila nanghihingi ng personal information online para sa aplikasyon ng educational assistance dahil labag ito sa data privacy act.

Hinihikayat ang lahat na i-report ang account na Philipine Go Today sa Tiktok na siyang nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa programa at serbisyo ng kagawaran pati na rin ng ibang ahensiya.

Tags: , ,

PCO at SocMed Giants, nagsanib-pwersa laban sa fake news sa PH

by Radyo La Verdad | May 13, 2024 (Monday) | 4617

METRO MANILANagsanib pwersa na ang Presidential Communications Office (PCO) at ang mga malalaking social media company sa bansa para labanan ang pagpapakalat ng misinformation o fake news sa bansa.

Kabilang sa mga nakiisang socmed giants ang mga kumpanyang Meta, Google, at Tiktok na kapwa nagpahayag ng kanilang suporta sa adhikain ng pamahalaan.

Binigyang-diin ni pco undersecretary for digital media services emerald ridao ang layunin ng gobyerno na matuldukan na ang misinformation at disinformation laban sa mga programa ng pamahalaan at iba’t

ibang indibidwal sa ‘digital sphere’.

Naniniwala naman ang opisyal na magagawa ito sa tulong ng socmed giants sa bansa.



Tags: ,

DSWD nilinaw na fake news ang kumakalat na questionnaire kapalit ang regalo

by Radyo La Verdad | December 29, 2023 (Friday) | 10916

METRO MANILA – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi totoo ang kumakalat na link hinggil sa umano’y new year’s gift na ipamimigay ng ahensya kapalit ang pagsagot sa isang survey questionnaire.

Payo ng DSWD sa publiko, mag-ingat sa mga manloloko, at huwag basta maniniwala sa mga post o link na hindi galing sa official page ng ahensya.

Para sa kumpletong listahan ng official social media accounts ng dswd bisitahin lamang ang kanilang facebook page.

Tags: ,

More News