Presyo ng asukal, hindi dapat tumaas kahit na maulan – SRA

by Radyo La Verdad | August 2, 2023 (Wednesday) | 1149

METRO MANILA – Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sapat ang supply ng asukal sa bansa.

Ito ay sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan na dulot ng bagyo at habagat.

Ayon kay SRA Administrator Pablo Azcona, hindi naman gaanong naapektuhan ang mga pananim na tubo kahit na maulan ang panahon.

Ang mga mapaminsalang bagyo aniya sa mga taniman ng tubo gaya sa Negros ay nangyayari sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Mag-uumpisa narin aniya ang milling operation sa Setyembre kaya’t muling magkakaroon ng lokal na produksyon.

Tags: ,