Walang nakikitang panibagong pagtaas sa presyo ng mga bilihin ang Department of Trade and Industry (DTI) matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong.
Ayon kay Sec. Ramon Lopez, kinausap ng DTI ang NFA na magbenta rin ng NFA rice sa supermarket para maraming murang bigas at walang pagtaas sa presyo nito. P27 at P32 pa rin ang bentahan ng NFA rice.
Paliwanag ni Lopez, nagmahal ang presyo ng commercial rice dahil ang naging available ay ang fancy rice, at wala ang regular at well milled rice. Hindi rin aniya dapat tumaas ang presyo ng gulay dahil may sapat namang supply.
Nagpapatupad din ang DTI ng price control o price freeze sa mga lugar na apektado ng bagyo tulad ng Cagayan na nagdeklara na ng state of calamity.
Bumaba na ang presyo ng ilang bilihin sa Balintawak Market tulad ng repolyo at sili, pero walang paggalaw sa presyo ng sibuyas at bawang.
Samantala, makakabili ng mas murang manok, baboy, gulay, bigas, itlog, de lata at iba pang pangunahing bilihin sa rolling store ng DTI sa paglulunsad kahapon ng programang suking outlet, isang producer to consumer market program sa Barangay Commonwealth sa Quezon City.
Mananatili ang DTI rolling store sa Commonwealth mula alas syete ngayong umaga hanggang mamayang alas dos ng hapon.
Layon ng proyekto na malabanan ang mataas na presyo ng bilihin dulot ng inflation.
Nagpapasalamat naman ang mga residente dahil nakatipid sila at mas maraming produkto ang kanilang nabili kumpara sa palengke.
Plano ng DTI na magbukas din ng Suking Outlet sa iba panig ng Metro Manila.
( Cathy Maglalang / UNTV Correspondent )
Muling namayani ang diwa ng bayanihan sa Members Church of God International (MCGI) matapos manalasa ang Bagyong Ompong sa Northern at Central Luzon.
Sa layuning makagawa ng mabuti sa kapwa, mahigit walong daang volunteer ng MCGI ang tumulong sa pagre-repack ng mga relief goods sa warehouse ng DSWD sa Pasay City.
Mula pa sa kanilang mga trabaho at eskwela, sumasadya sa warehouse ang mga volunteer upang makatulong sa pagre-repack ng bigas, kape at mga delata na ipamamahagi sa mga kababayan nating sinalanta ng Bagyong Ompong.
Ayon sa DSWD, malaking tulong ang pwersa ng MCGI upang mas mapabilis ang pagre-repack ng 20-libong food packs na target nilang magawa kada araw.
Bagaman hindi lamang ang grupo ng MCGI ang nagbo-volunteer sa repacking ng relief goods, hindi kaila sa DSWD na halos 70 porsyento ng mga naire-repack ay mula sa MCGI.
Masigasig na naging katuwang ng DSWD ang MCGI sa paghahanda ng mga relief goods na ipinamahagi sa mga kababayan nating sinalanta ng mga nagdaang kalamidad gaya ng Supertyphoon Yolanda, ang pag-aalburuto ng Bulkang Mayon, maging ang nangyaring kaguluhan sa Marawi City.
Umaasa ang DSWD na mas paiigtingin pa ng MCGI ang kanilang suporta sa pamahalaan sa layuning makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan.
( Joan Nano/ UNTV Correspondent )
Tags: Bagyong Ompong, DSWD, MCGI
Nasa tatlumpong indibiduwal pa ang nasa DSWD training center sa Baguio City kahapon ang naghihintay at nagbabakasakaling mahukay pa ang kanilang mahal sa buhay na kabilang sa nawawala matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong, isang linggo na ang nakararaan.
Sinimulan na kahapon ang pagkuha ng DNA samples sa mga kaanak ng mga biktima ng landside sa Ucab Itogon, Benguet para sa mas mabilis na pag-claim sa mga mare-retrieved na mga bangkay. Dalawang katawan ang nahukay ng mga rescuers kahapon.
Pinoproseso na rin ng DSWD Cordillera ang burial assistance o tulong para sa mga kaanak ng mga nawawalang indibiduwal. Sinabi rin ni Regional Director Ruben Carandang na no sign of life na ang ground zero.
Kaya naman nirekomenda na ang search and retrieval operation ang isinasagawa simula kahapon.
Sa tala ng Cordillera Disaster Risk Reduction Management Council, as of 2pm kahapon ay umabot na sa 111 ang nasawi sa buong Cordillera Region.
91 sa lalawigan ng Benguet, kung saan 85 dito ay mula sa Barangay Ucab sa bayan ng Itogon, habang 24 pa ang nawawala sa buong rehiyon.
( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )
Tags: Bagyong Ompong, DNA samples, DSWD
Ngayong araw ay simula na nang pagtutok sa retrieval operation ng mga otoridad sa landslide area sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.
Ito na rin ang naging desisyon ni Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Francis Tolentino matapos ang 11th day na search and rescue operation sa ground zero.
Sa huling tala ng Cordilera Risk Reduction and Management Council kaninang umaga, umabot na sa 110 ang nasawi sa buong rehiyon dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
Sa kasalukuyan ay 25 pa ang patuloy na nawawala.
Tags: Bagyong Ompong, Cordillera Region, Nasawi