Presyo ng mga produktong petrolyo, may rollback ngayong araw

by Radyo La Verdad | March 13, 2018 (Tuesday) | 3807

May rollback sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Kaninang ala sais ng umaga, 55 centavos ang nabawas sa presyo ng kada litro ng diesel ng Petron at Flying V, 35 centavos sa gasoline at piso at 20 sentimo naman sa kada litro ng kerosene.

Ang Total, Jetti, Unioil, Phoenix Petroleum & PTT Philippines naman ay may 35 centavos kada litro din na rollback sa gasoline at 55 centavos sa diesel.

Una nang nagpatupad kaninang alas dose uno ng madaling araw ang Seaoil ng rollback sa presyo ng diesel, gasoline at kerosene.

Tags: , ,