Presyo ng mga produktong petrolyo, tataas muli ngayong araw

by Radyo La Verdad | October 9, 2018 (Tuesday) | 4542

Muling magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Epektibo kaninang alas sais ng umaga, tataas ng piso ang presyo ng kada litro ng gasolina ng Petron, Shell, Caltex, Flying V at Seaoil.

One peso and forty-five centavos naman ang madaragdag sa bawat litro ng diesel habang one peso ang thirty-five centavos naman sa presyo ng kerosene.

Kaparehong price increase din ang ipatutupad ng Jetti Petroleum, Total, PTT Philippines at Petro Gazz sa kanilang gasolina at diesel.

Ngunit walang magiging paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

Ito na ang ika-syam na sunod na linggo na tumaas ang halaga ng produktong petrolyo sa bansa.

Tags: , ,