Presyo ng produktong petrolyo, bumaba ngayong araw

by monaliza | March 24, 2015 (Tuesday) | 549

rollback

Nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Simula kaninang alas-dose ng madaling araw, aabot sa P1.10 ang ibinawas ng Shell, Seaoil, Flying-V, Petron, Caltex, Phoenix Petroleum at PTT sa presyo ng kanilang gasolina.

Nubenta sentimos naman ang ibinawas sa kada litro ng kerosene habang P0.95 naman sa kada litro ng diesel.

Nagpatupad naman ang Eastern Petroleum ng P1.20 na rollback sa litro ng gasolina at diesel.

Samantala, ala-sais naman kaninang umaga nang magtapyas ng P1.10 sa kada litro ng gasolina at P0.95 sa diesel ang Phoenix Petroleum.