Presyo ng produktong petrolyo, nagrollback ngayong araw

by Radyo La Verdad | April 25, 2017 (Tuesday) | 1397


Nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Trenta sentimos ang nabawas sa presyo ng bawat litro ng diesel ng Shell, Petron, Seaoil at Flying V.

Bente sentimos naman ang rollback sa kada litro ng gasolina at kwarenta sentimos naman sa kerosene.

Kaparehong bawas presyo rin ang ipinatupad ng Jetti, Unioil, PTT, Phoenix at Eastern Petroleum sa bawat litro ng kanilang diesel at gasolina.

Ito ang unang beses na nagkaroon ng oil price rollback ngayong buwan.

Tags: ,