Presyo ng produktong petrolyo ng ilang kumpanya ng langis, tumaas

by Radyo La Verdad | April 4, 2017 (Tuesday) | 13667


Nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Trenta y singco sentimos ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel at gasolina ng Petron, Seaoil at Flying V.

Habang trenta sentimos naman ang dagdag singil sa presyo ng bawat litro ng kerosene.

Samantala nagpatupad rin ng kaprehong price increase sa diesel at gasolina ang Shell, Jetti, PTT, Eastern at Phoenix Petroleum.

Tags: , ,