Presyo ng wholesale at retail construction material, bumaba

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 4709

construction-material-price
Bumaba ang wholesale at retail prices ng mga construction material sa Maynila sa buwan ng Nobyembre ngayong taon ayon sa Philippine Statistics Authority.

Sa datos ng psa, bumaba ng 0.8 percent ang construction materials retail price index sa nasabing buwan.

Partikular na bumaba ang price index ng semento sa 1.1 percent, bakal sa 0.1 percent at fuels at lubricants sa 11.7 percent.

Tumaas naman ng 2 percent ang index ng concrete products.

Hindi naman nagbago ang index ng glass products.

Tags: , , ,