Private roads na gagawing alternatibong ruta, tinukoy ng MMDA

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 806

MMDA
Tinukoy ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang ilang private roads na maaaring maging alternatibong ruta upang mapagaan ang mabigat na trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Kabilang dito ang mga private road sa Corinthian Gardens, Acropolis, Bel-Air, Green Meadows, Dasmariñas Village, Forbes Park at San Lorenzo.

Subalit hindi anila madaling mapapayag ang mga exclusive subdivison na ipagamit sa mga public motorist ang kanilang mga kalsada.

Minsan na anilang natalo ang MMDA sa kaso nang hilingin nito na buksan sa publiko ang isang kalsada ng Bel-air subdivision sa Makati.

(Mon Jocson/UNTV Radio)

Tags: