PRO XI, naka-full alert matapos ang muling pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat

by Radyo La Verdad | September 3, 2018 (Monday) | 1981

Naka-full alert status ngayon ang Davao Region matapos ang panibagong pagsabog sa Isulan, Sultak Kudarat kagabi.

Agad na iniutos ni Police Regional Office XI Regional Director Marcelo Morales sa lahat ng units na i-maximize ang presensya ng mga pulis at imonitor ang lahat ng areas sa Davao Region.

Pinaalalahan rin nito ang mga provincial at city directors na siguraduhing matibay ang mga target hardening measures.

Pangunahin ring pinababantayan ngayon ang mga matataong lugar lalo’t ito ang madalas pinupuntirya umano ng mga terorista at masasamang elemento.

Habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring pambobomba sa bayan ng Isulan, tuloy rin ang komunikasyon at pakikipag-coordinate ng PRO XI sa mga counterpart nito sa AFP, internal units at iba pang security forces upang masiguro ang kaligtasan ng rehiyon.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,