Kumpirmadong gaganapin sa bansa ang Miss Universe sa susunod na taon at isa ang Cebu sa mga lugar na maaaring pagdausan ng ilang events ng nasabing pageant.
Kilala ang probinsya na sagana sa historical sites at white sand beaches na dinadayo ng mga turista.
Minsan nang naging host ang Cebu sa mga delegado ng Miss Universe noong 1994.
Naging venue rin ang probinsya ng iba pang international events katulad ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC meetings noong 2015 at ng 13th Conference of the Asean Ministers Responsible for Information and Related Meetings nitong Marso, 2016.
Sa ngayon ay naghahanda na ang DOT-7 ng listahan ng mga lugar sa probinsya na maaaring puntahan ng Miss Universe candidates.
Makikipag-ugnayan din ang kagawaran sa lgu upang maipakita sa mga delegado ang ipinagmamalaking Gawang-Pinoy sa kanilang lokalidad.
Umaasa ang DOT-7 na sa pamamagitan nito ay mas aangat ang turismo hindi lamang ng Cebu kundi ng bansa.
(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)
Tags: Miss Universe Pageant, posibleng maging event venue, Probinsya ng Cebu