Programa para sa mga bata at pamilya na nasa lansangan, palalawakin pa ng DSWD

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 2878

DSWD-FACADE
Palalawakin pa ng Department of Social Welfare and Development ang mga programa para sa mga bata at pamilyang nasa lansangan sa Cebu City.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad tulad ng parenting seminar at learning center o day care.

Plano rin ng DSWD na magkaroon ng mobile school on wheels at mobile shower para sa mga bata at pamilyang naninirahan sa mga lansangan sa Cebu City.

Sa pamamagitan ng reach out program ay natutukoy ng DSWD ang mga pamilya na nakatira sa lansangan sa bawat barangay at dinadala sa mga temporary shelter.

Tags: , ,

Public hearing hinggil sa dagdag-sahod sa NCR, isasagawa ngayong June 20

by Radyo La Verdad | June 20, 2024 (Thursday) | 145896

METRO MANILA – Isasagawa na ngayong araw ng Huwebes June 20 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang public hearing kaugnay ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang minimum na arawang sahod sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), may nagpetisyon na dagdagan pa ng P750 at P597 ang kasalukuyang minimum wage sa NCR na P610.

Magsasagawa pa ng deliberasyon o tatalakayin ng wage board ang mga mapag-uusapan pagkatapos ng isasagawang pagdinig.

Inaasahan na magkakaroon ng positibong resulta ang review bago ang July 16, 2024 o unang anibersaryo nang itaas sa P610 ang minimum daily wage sa Metro Manila.

Muli namang nilinaw ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hindi siya makikialam kung ano man ang maging desisyon ng wage board.

Tags: , , ,

DSWD nagbabala sa 4Ps ukol sa pekeng payout schedule

by Radyo La Verdad | June 20, 2024 (Thursday) | 61266

METRO MANILA – Pinagiingat ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) hinggil sa kumakalat na pekeng post ukol sa payout schedule.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, may mga natatanggpa silang report hinggil sa kumakalat na post sa social media ukol sa umano’y mga petsa ng pamimigay ng ayuda at pangalan ng 4Ps na makatatanggap ng ayuda.

Paglilinaw ng DSWD, walang katotohanan ang kumakalat na post, at binigyaan diin na hindi nila isinasapubliko ang pangalan ng mga benepisyaryo alinsunod sa data privacy act.

Tags: ,

DSWD, nanawagan sa publiko na wakasan ang Child Labor

by Radyo La Verdad | June 18, 2024 (Tuesday) | 58148

METRO MANILA – Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na wakasan na ang child labor.

Ayon kay Maribel Barcenas isang shield against child labor national focal ng DSWD, paigtingin ng kagawaran ang kampanya laban sa child labor sa pamamagitan ng pagpapatuad ng komprehensibong programa para sa mga kabataang Pilipino.

Hinihikayat din ang bawat Pilipino na bigyan ang bawat bata ng karapatan na mabuhay nang malaya at ligtas mula sa anomang uri ng child labor.

Tags: ,

More News