PSG, nagsasagawa ng imbestigasyon sa shooting incident sa loob ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | September 26, 2017 (Tuesday) | 2097

Kinumpirma ng Presidential Security Group o PSG ang naganap na   shooting incident kaninang umaga sa PSG Complex sa Malacañang Park.

Malapit ito sa bahay pangarap na tinutuluyan ni   Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PSG Spokesperson Mike Aquino, isang opisyal ang nabaril at hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye sa insidente.

Sinabi ni Aquino na maglalabas sila ng official statement matapos ang isinasagawang imbestigasyon sa pangyayari.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,