Public satisfaction rating ni Pangulong Aquino, muling tumaas

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 8244

SWS-SURVEY
Nakapagtala muli ng mataas na satisfaction rating si Pangulong Benigno Aquino the third sa 3rd Quarter ng 2015.

Batay sa bagong survey ng Social Weather Station, 64% ng kanilang mga respondent ang nagsasabing kuntento sila sa naging trabaho ng Pangulo mula 57% noong nakaraang Quarter.

22% naman ang hindi kuntento mula sa dating 27%.

Umangat ng labing isang puntos ang Net Rating ng Pangulo sa positive 41 mula positive 30 noong 2nd Quarter ng 2015.

Ito na ang pinakamataas na satisfaction rating ng Pangulo mula March 2014.

Ikinatuwa naman ng Malakanyang ang bagong resulta ng survey.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, muli nitong pinatutunayan ang tiwala ng taumbayan sa pamamahala ng administrasyong Aquino.

Partikular na dito ang pag-aangat sa buhay ng mga Pilipino na resulta ng nagiging magandang takbo ng ekonomiya ng bansa sa nakaraang limang taon. ( Nel Maribojoc / UNTV News )

Tags: