Pulis na natakasan ng preso habang nagpapamasahe sa Calauan, Laguna, kinasuhan na

by Radyo La Verdad | May 28, 2020 (Thursday) | 11956

Laguna, Philippines – Sinampahan na ng kasong evasion through negligence si Police Staff Sergent Erick Yrigan matapos matakasan ng tatlong preso sa Calauan, Laguna, Martes ng madaling araw, May 26, 2020.

Habang nagpapamasahe umano ito sa isang preso, nakakita naman ng pagkakataon, ang tatlo pang preso na sinamantala ng mga ito upang makatakas.

“Bale sa ngayon ay restricted siya, so, nandito pa rin sa istasyon namin. Pero bukas o siguro sa susunod na araw, dadalhin nga po sa holding office doon sa provincial office namin doon sa Sta. Cruz,” sinabi ni PSMS Jerome Dulangan, Caluan Municipal Police Station sa phone interview.

Naibalik na sa kulungan ang dalawa subalit patuloy na pinaghahanap ang isa pang pugante na si Noel Ibareta na may kasong murder.

Nagbigay na ng 20 libong pisong pabuya ang PNP kung sino man ang makakapagturo sa kinaroroonan nito.

Pinalitan na rin sa pwesto ang hepe ng Calauan Police isang araw matapos ang insidente.

(Sherwin Culubong)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,