Patay ang narco-cop sa buy bust operation sa Infanta, Quezon kaninang umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsagawa ng anti-drug operation ang PNP Counter Intelligence Task Force sa Brgy. Pilaway Infanta, Quezon kaninang alas syiete qurentay quatro ng umaga.
Kinilala ang napatay na pulis na si PO2 Ian Rey Abitona at kasama sa drug watchlist o tinatawag na narco-cop.
Ayon kay PNP-CITF commander Senior Superintendent Romeo Caramat Jr., nakipagpalitan umano ng putok ng baril si Abitona sa mga pulis.
Isa umanong protektor at dealer ng iligal na droga si Abitona sa Infanta, Quezon.
Narelieve si Abitona bilang intel and Drug Enforcement Unit operative at inilipat bilang desk officer. Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin umano sa iligal na gawain si Abitona.
Kaya naman isinagawa ang isang buy bust operation na nauwi sa pagkasawi ng suspek.
Tags: buy bust operation, iligal na droga, PO2 Ian Rey Abitona
MANILA, Philippines – Binunyag muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga opisyal sa gobyerno na nanatiling may kaugnayan sa iligal na droga.
Sa kanyang pagdalo sa Valdai Forum sa Sochi City sa Russia noong Biyernes (October 4), sinabi ng Pangulo na may dalawa pang heneral na umano’y patuloy na nasasangkot sa transaksyon sa iligal na droga.
Subalit, tila nag-iba ang tono ng Pangulo dahil sa kanyang arrival speech sa Davao City Kahapon ng hapon (October6).
Paliwanag ng Pangulo kung bakit binago nya ang nauna nyang pahayag. Ayon naman sa PNP, nakahandang itong humarap sa anomang posibleng pagdinig o imbestigasyon na isasagawa para mabigyang linaw ang naturang isyu.
Sa kabila ng isinasagawang pagdinig sa Senado hinggil sa 2013 Pampanga Drug Raid, nilinaw ng PNP na wala pa itong nasasagap na impormasyon na dawit ang matataas na opisyal ng pulisya sa iligal na droga.
Tiniyak nito sa publiko na patuloy nitong paiigtingin ang kampanya kontra iligal na droga at internal cleansing program para iaalis sa serbisyo ang mga tiwalang pulis.
(April Cenedoza | UNTV News)
Tags: iligal na droga, PNP
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng matibay na ebidensya laban sa mga pulis na umanoý nagre-recycle ng mga nakukumpiskang iligal na droga. Pero aminado ang Pangulo na marami ang sangkot sa naturang iligal na kalakaran. Subalit hindi niya matanggal agad sa serbisyo ang mga ito dahil kailangan pang idaan sa due process.
Tiniyak ng Pangulo na kapag natapos na ang kaniyang termino ay nabawasan na ang problema ng bansa sa iligal na droga.
“Well, I have to have evidence. Kaya nga sabi ko, sundan na lang muna ninyo. ‘yan ang — hindi naman talagang outright. Pero ‘yung mahuli nila, for example 20 kilos, ang i-report na lang niyan 10 kilos. Tapos may award pa ‘yan sila. Tapos ‘yung iba i-recycle, ipagbili nila. Marami ‘yan. And it’s so prevalent. You know, you just cannot fire him, for due process, right to be heard, investigation. Talo talaga ang gobyerno sa totoo lang.” Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.
(Marisol Abogadil | UNTV News)
Tags: iligal na droga, Pang. Rodrigo Duterte, PNP
QUEZON PROVINCE, Philippines – Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sindikato ng iligal na droga sa bansa na hindi titigil ang kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot.
Aniya, bilang lider ay mandato niyang protektahan ang taumbayan at ang bansa mula sa ikasisira nito partikular na ang suliranin sa droga.
Dagdag ng Pangulo, mas bata ang ginagamit ngayon ng mga kriminal upang magmantena sa operasyon ng iligal na droga. Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag sa annual assembly ng mga local leader sa Lucena City, Quezon kahapon.
“’Pag sinira mo ang bayan ko, talagang magwawala ako. Kaya ‘yung nangyari noong five days ago. Ang nagme-maintain ngayon ng shabu ang mga bata. Kung may parokyanong makita niya at naghahanap, dadalhin nila doon, pahithitin nila, sila na ang kukubra. Pati ang mga bata shoot na rin sila. As young as six, eight, nine, 14. Kita mong ginagawa ng mga u****?”
Nabanggit ng Pangulo ang usapin isang araw matapos ipasa sa committee level ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang nagbababa sa siyam na taong gulang ng minimum age of criminal responsibility.
Wala pang malinaw na posisyon si Pangulong Duterte hinggil sa isyu subalit ayon sa Malacañang, ipinauubaya na nito sa mga mambabatas ang usapin hinggil sa edad na dapat nang pananagutin sa batas ang isang gumagawa ng krimen..
“Again, the President will not interfere because that’s the lawmakers’ job. We will not question that. Bahala sila. Basta gusto ni Presidente, ayaw niya iyong 15, definitely,” ani Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: age of criminal liability, age of discernment, duterte, iligal na droga, ipinagbabawal na gamot, President Rodrigo Duterte, sindikato